COTABATO CITY (January 12, 2026) —-Nagtipon ang mga officials at maraming mga kasapi ng ilang dekada ng Maguindanao Professionals and Employees Association, o MPEA, nitong Linggo, January 11, kung saan nagkaisa silang mas palawigin pa ang pagpapalaganap ng mga public service at community-building agenda ng kanilang grupo.
Ang MPEA ay kilalang aktibo sa pagsuporta ng mga multi-sector peace and development initiatives sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, dalawa sa limang mga probinsyang sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ginanap ang naturang 47th General Assembly ng MPEA sa isang function facility ng Pagana Kutawato sa Cotabato City, pinangunahan ng presidente nito, ang physician-ophthalmologist na si Kadil Sinolinding, Jr. na miyembro ng 80-seat parliament ng BARMM.
Ang multi-awarded na si MPEA President Sinolinding ay siya ring kasalukuyang minister ng Ministry of Health-BARMM.
Dumalo bilang mga panauhing pandangal sa assembly ng officers at members ng MPEA nitong linggo sina Maguindanao del Norte Gov. Tucao Mastura at ang vice governor ng probinsya, si Marshall Sinsuat, nahalal bilang mga running mates nitong May 12, 2025 elections.
Isa sa mga layunin ng MPEA ang mapagbuklod ang mga etnikong Maguindanaon professionals at employees ng local government units at mga line agencies at ng pribadong sektor sa mga inisyatibong mas makakapalawig pa sa professionalism at dedication ng bawat isa sa pagpapalaganap ng peace and development sa mga local communities.
Sa mga hiwalay na pahayag kaugnay ng kanilang pagdalo sa 47th General Assembly ng MPEA, tiniyak nila Mastura at Sinsuat ang kanilang suporta sa mga peacebuilding at humanitarian initiatives ng grupo.
Ayon kay Sinsuat, malaking bagay para sa Maguindanao del Norte ang pagkakaisa ng MPEA officials at members sa pagsulong ng peace and sustainable sa probinsya.
Si Sinsuat ay nagsilbing mayor muna ng Datu Blah Sinsuat, kilalang pinaka-peaceful na bayan sa probinsya ng Maguindanao del Norte, walang naitalang heinous crime incident nitong nakalipas na mahigit sampung taon, bago siya nahalal na vice governor nitong 2025.
Ayon kay Sinsuat, malaki ang maitutulong ng MPEA, na maraming mga miyembro na mataas ang katungkulan sa ibat-ibang government agencies at sa BARMM parliament, sa pagsulong ng economic development ng Datu Blah Sinsuat at sa lahat ng mga bayan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Sa kanyang text message sa ilang mga reporters, tiniyak ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, chairperson ng multi-sector Cotabato City Peace and Order Council, ang kanyang suporta sa mga peace and development thrusts ng MPEA.
Ayon kay Matabalao, bukas ang kanyang tanggapan sa lahat ng mga officials at members ng MPEA na nais magmungkahi sa kanya ng mga community-service programs ng grupo sa Cotabato City na maaari niyang suportahan.
Makikita sa larawan ang mga pangunahing officials ng MPEA at ang mga provincial officials na sina Mastura at Sinsuat na dumalo sa 47th General Assembly ng grupo sa Cotabato City.
