COTABATO CITY (February 12, 2026) — Muling nagsagawa nitong Lunes, February 9, ng panibagong humanitarian mission ang tanggapan ng isang doctor na miyembro ng BARMM parliament kung saan 146 na mga Moro na buntis at 26 na mga batang hindi malusog dahil sa kakulangan ng sapat na nutrisyon ang nakabenepisyo, nabigyan ng bigas at iba pang food supplies.
Ang mga benepisyaryo ng naturang public service activity ng tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Kadil Sinolinding, Jr. ay mga residente ng Kadayangan, isa sa walong mga bagong tatag na mga municipalities na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ngunit nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12.
Mismong mga local officials sa Kadayangan, sakop ni Mayor Duma Mascud, ang nag-kumpirma nitong Huwebes, February 12, na 146 na mga buntis at 26 na mga bata mula sa mga pamilyang mahirap ang nabigyan ng public service team ni Sinolinding ng bigas at iba pang mga food supplies sa kanilang isinagawang outreach mission sa kanilang bayan nito lang Lunes.
Magkatuwang sina Sinolinding, na siya ring kasalukuyang health minister ng BARMM, at si Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua. sa mga walang patid na outreach missions para sa mga buntis at mga malnourished na mga bata sa walong Bangsamoro towns sa Cotabato province, may 63 predominantly Moro barangays na naka-grupo bilang Special Geographic Area-BARMM, mas kilala bilang SGA-BARMM.
Tumulong sa pagsagawa ng outreach mission nitong Lunes sa Kadayangan ang rural health service personnel ng bayan, sa pangunguna ni Doctor Hessah Ibrahim, municipal health officer.
Pinasalamatan nitong Huwebes ni Kadayangan Mayor Mascud si Sinolinding at Macacua sa kanilang relief mission para sa mga residente ng kanilang bayan nitong Lunes.
