Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P26.4 million na halaga ng imported na sigarilyong lulan ng isang delivery van na kanilang nasabat sa R.T. Lim Boulevard sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City nitong Lunes, July 7, 2025.
Iniulat nitong Martes ni Brig. Gen. Roel Rodolfo, director ng Police Regional Office-9, na nasa kustodiya na nila ang driver ng sasakyang may kargang mga sigarilyong mula sa Indonesia at ang kanyang helper.
Ayon sa mga opisyal ng Zamboanga City Police Office, ang sasakyang may kargang smuggled na mga sigarilyo ay naharang sa R.T. Lim Boulevard ay naharang sa isang anti-smuggling operation na suportado ng local officials.
May kargang 386 na mga kahon ng sigarilyong may iba’t-bang mga brands na gawa sa Indonesia ang van-type truck na naharang habang patungo sana sa ilang mga lugar sa Zamboanga City kung saan may naghihintay na mga buyers.
Naipa-kustodiya na ng mga pulis na nagsagawa ng naturang anti-smuggling operation ang nakumpiskang mga sigarilyo, nagkakahalaga ng P26.4 million, sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Zamboanga City, ayon sa mga city police officials. (July 8, 2025)

Leave a Reply