Nakumpiska ng mga operatiba ng iba’t-ibang units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang abot sa P1.7 million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na na-entrap sa Barangay Patani sa Marawi City, nitong Sabado, August 2, 2025.
Nakadetine na ang suspects na sina Abdul Manao Indao Gandamra at Saidamin Darimbang Andamun sa isang police detention facility sa Marawi City, ang kabisera ng Lanao del Sur.
Kinumpirma nitong Martes ni Brig. Gen, Jaysen De Guzman, director ng PRO-BAR, ang pagkaaresto sa dalawa sa isang entrapment operation na nailatag sa tulong ng mga local executives sa Marawi City at ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. na siyang chairman ng multi-sector Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council.
Agad na inaresto ng magkasanib na mga anti-narcotics agents ng Marawi City Police Station, pinamumunuan ni Lt. Col. Muhiddin Pagayawan, ng Lanao del Sur Provincial Police Office, at ng mga tropa ng iba pang mga PRO-BAR units sina Gandamra at Andamun matapos silang bentahan ng mga ito ng 250 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P.17 million, sa isang lugar sa Barangay Patani.
Ayon kay De Guzman, gagamiting ebidensya sa paglilitis sa dalawang suspects sa korte ang shabu na nakumpiska sa kanila. (August 5, 2025, Marawi City, Lanao del Sur, Bangsamoro Region)

Leave a Reply