Marami ang humanga sa isang ina sa pagsuplong nito sa pulisya ng pagtatago ng kanyang sariling anak ng abot sa P1.5 million na halaga ng marijuana sa kanilang tahahan, agad na nakumpiska at ngayon nasa kustodiya na ng Davao City Police Office.
Nasamsam ng mga pulis ang hindi bababa sa 1,000 gramo ng pinatuyong marijuana, nagkakahalaga ng P1.5 million, mula sa suspect sa kanilang ginawang pag-search ng kanilang tahanan sa Purok 6-A sa Aplaya area sa Bunawan, Davao City nitong Linggo, August 10, 2025, batay sa kahilingan ng kanyang ina.
Inaalam na ng pulisya kung saan galing ang marijuana na nakuha mula suspect na kinilala lang pansamantala na Ariel, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Umani ng papuri ang ginawa ng ina ng suspect, ngayon nakapiit na sa isang police detention facility. (August 11, 2025, Davao City Region 11)

Leave a Reply