Nagnakaw ng motorsiklo, tepok sa mga pulis

Napatay ng mga pulis ang nanlaban na nang-agaw ng motorsiklo ng isang barangay chairman sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat nitong madaling araw ng Biyernes, August 1, 2025.

Sa ulat ni Major Leonel Delasan, hepe ng Lambayong Municipal police, ang biktima ng naturang pagnanakaw ng motorsiklo ay mismong ang 49-anyos na chairman ng Barangay Katitisan na si Ernesto Aguinaldo, Jr.

Tinangay ng dalawang armadong lalaki ang itim na Yamaha Aerox motorcycle ni Aguinaldo.

Maagap namang silang nahabol ng mga tropa ng Lambayong Municipal Police Station at inabutan sa Purok Bayanihan sa Barangay Poblacion sa Lambayong at ng tangkang pipigilan na sana sa kanilang pagtakas ay naglabas ng mga baril at nagpaputok kaya nagka-engkwentro na nagsanhi ng pagkamatay ng isa sa kanila.

Hindi na umabot ng buhay sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang nabaril ng mga pulis na magnanakaw ng motorsiklo, ayon sa ulat ng mga local officials sa Lambayong, isa sa mga bayan na sakop ng Sultan Kudarat. (August 1, 2025, Lambayong, Sultan Kudarat, Region 12)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *