COTABATO CITY (September 9, 2026) — Nagtipon ang maraming mga kasapi ng Ulama Council ng Moro National Liberation Front sa Cotabato City nitong Martes, September 8, kung saan nagkaisa silang suportahan ang mga multi-sector at inter-agency initiatives na maging maayos at mapayapa ang September 14 elections sa autonomous region.
Pinangunahan mismo ni MNLF Chairman Muslimin Sema, na siya ring labor and employment minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang naturang pagpupulong sa Cotabato City, dinaluhan ng maraming mga Islamic missionaries mula sa sa lungsod at sa mga probinsyang sakop ng BARMM.
Si Sema ang presidente ng Bangsamoro Party ng MNLF, mas kilala sa buong BARMM bilang “BaPa Party,” isa sa mahigit 10 na political parties na pinayagan ng Commission on Elections na lumahok sa September 14 BARMM parliamentary elections.
Dumalo sa naturang electoral peace and awareness dialogue ang mga kandidato ng BaPa party sa 80-seat parliament ng BARMM na sina Omar Yasser Sema na isang abogado at kasalukuyang appointed member ng naturang regional lawmaking body at kapwa niyang nominees na si Engineer BaiAli Karon, si Naguib Solano at Michael Odin at ang kandidata ng partido sa 4th parliamentary district seat ng Maguindanao del Norte na si dating Congresswoman Bai Sandra Sema.
Si BaPa Party candidate former Congresswoman Sema, mas popular bilang “Bai Sandra” ay itinuturing na mother of the Bangsamoro Organic Law, o BOL, na sinikap niyang ipasa ng Congress, naging regional charter ng BARMM, noong siya ang congressional representative ng first district ng Maguindanao bago naitatag ang Bangsamoro region noong 2019.
Bilang kongresista, maraming naging proyekto si Bai Sandra sa first district ng Maguindanao, ngayon, sakop na ng Maguindanao del Norte dahil sa pagkakahati ng dating one Maguindanao sa dalawang probinsya — ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Tampok sa ginawang MNLF Ulama Council meeting nitong Martes sa Cotabato City ang panawagan ng mga BaPa party candidates at ni MNLF Chairman Sema ng pagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran sa BARMM sa pamamagitan ng multi-sector religious at political solidarity at good governance.
Tiniyak ng mga Islamic missionaries na dumalo sa naturang aktibidad ang kanilang buong puso, wagas na suporta sa BaPa Party sa darating na September 14 first ever BARMM parliamentary elections.
Nagkaisa sina MNLF Chairman Sema, ang kanilang favored candidates para sa BARMM parliament at ang mga Muslim preachers na kasapi ng MNLF Ulama Council na magkaisa sa pagsuporta sa inisyatibo ng Comelec, the Armed Forces at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na maging malinis at mapayapa ang September 14 regional elections sa limang probinsya ng Bangsamoro region — ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan at Tawi-Tawi at ang tatlong lungsod nito, ang Lamitan, Marawi at Cotabato.
Makikita sa larawan si BARMM parliament member Sema na nagpapaliwanag ng mga peace and development objectives ng BaPa Party sa isinagawang MNLF Ulama Council conference nitong Martes, habang nakikinig si Odin at MNLF Chairman at Bangsamoro Labor Minister Sema. []
