COTABATO CITY (March 16, 2026) — Namigay ng ayudang bigas ang vice mayor ng Datu Odin Sinsuat at ilan pang pang mga local executives sa mga senior citizens, mga persons with disabilities, o PWDs, at mga mahirap na pamilya sa anim na barangay kanilang bayan nitong Sabado, March 14.
Ang Datu Odin Sinsuat, mas kilala bilang DOS, ay isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Mismong mga residente ng naturang anim na mga barangay sa DOS, kabilang sa kanila ang dating miyembro ng Maguindanao Sangguniang Panlalawigan, si Asnawi Sinsuat Limbona, ang nagpaabot sa mga reporters ng kanilang pasasalamat kina Vice Mayor Bobsteel Sinsuat, kay municipal councilors Rahib Diocolano at Sorab Lumanggal at sa iba pang mga local executives na nagtulungan sa pagsagawa ng naturang Ramadhan outreach missions.
Si Limbona, na naging provincial board member ng dating Maguindanao na nahati na sa dalawa, ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, ay residente at isang traditional community leader sa Barangay Ambolodto na ang mga residente ay naka-benepisyo sa ayudang bigas mula kina Vice Mayor Sinsuat at kanyang mga kasamang local executives na personal na naghatid nito sa anim na mga barangays sa DOS.
Ang naturang Ramadhan rice offering at direktang suportado nila Maguindanao del Norte Gov. Tucao Mastura at Vice Gov. Marshall Sinsuat, parehong first-term officials na nahalal sa pwesto bilang running mates noong May 12, 2025 elections.
Si Vice Gov. Sinsuat ay dating mayor ng Datu Blah Sinsuat, kilalang “most peaceful town” sa Maguindanao del Norte. Siya ay may masigasig na mga programang nagsusulong ng cultural at religious solidarity ng mga Muslim, Christian at indigenous non-Moro Teduray communities sa probinsya.
Makikita sa larawan ang mga residente ng isa sa anim na mga barangay na tumanggap ng Ramadhan bigas ayuda mula sa kanilang municipal officials sa DOS nitong Sabado. []
