Mga binaha sa bayan ng Datu Odin Sinsuat may ayudang relief goods

COTABATO CITY (July 18, 2026) — Nagpasalamat nitong Sabado, July 17, kay Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua at kina Gov. Tucao Mastura at Vice Gov. Marshall Sinsuat ng Maguindanao del Norte ang mga residente ng ilang mga lugar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat na binaha at agad nilang nabigyan ng relief supplies sa mga hiwalay na outreach missions nitong nakalipas lang na linggo.

Kabilang ang Mindanao State University-Magundanao campus sa naturang bayan sa mga lugar na binaha at malaking bilang ng mga estudyante ang apektado ng naturang kalamidad.

Mas kilala ang Datu Odin Sinsuat bilang DOS, isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Maagap na nabigyan nila Macacua, sa pamamagitan ng kanilang Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi), at ng provincial officials sa Maguindanao del Norte ng humanitarian support ang mga binaha sa Datu Odin Sinsuat dahil sa agarang pag-ulat ng mga community leaders at residente ng mga binahang lugar, kabilang sa kanila si dating Maguindanao provincial board Member Asnawi “Jojo” Sinsuat Limbona, hinggil sa kanilang sinapit sanhi ng Bagyong Inday.

Ang READi ay nasa pamamahala ni BARMM Local Government Minister Jordan Bayam na aktibong kaagapay ni Chief Minister Macacua sa mga disaster impact mitigation operations sa autonomous region.

Ang pagbaha sa ilang mga lugar sa Sibuto, Dados, Sapalan at Ambolodto at sa MSU campus sa Datu Odin Sinsuat ay dulot ng Bagyong Inday na sumalanta sa Mindanao at ibang regions sa bansa mula July 8 hanggang July 12 nitong nakalipas lang na linggo.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang faculty members at mga estudyante ng Mindanao State University-Maguindanao kina Macacua at Local Government Minister Bayam at sa mga provincial officials ng Maguindanao del Norte sa mabilis nilang pagbibigay pansin sa kanilang dinanas sanhi ng Bagyong Inday.

Makikita sa larawan ang pamahahagi ng relief supplies, mula sa BARMM government. sa mga estudyante ng MSU-Maguindanao na apektado ng baha sa kanilang campus nitong nakalipas na linggo. [][]