Mag-ina sa Cotabato City timbog sa P3.4-M shabu

Agad na nadetine ang isang 38-anyos na ina at ang kanyang menor-de-edad na anak na babae matapos mabilhan ng P3.4 million na halaga shabu ng mga pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion 5 sa Cotabato City nitong Biyernes, August 8, 2025.

Kusang loob ng nagpaaresto sina Farida Bai Montar, 38-anyos, at ang kanyang 16-anyos na anak ng kanilang mapuna na mga hindi unipormadong mga pulis pala ang kanilang nabentahan ng shabu sa isang lugar sa Barangay Poblacion 5 sa Cotabato City.

Iniulat nitong Sabado ni Brig. Gen. Jaysen de Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na magkatuwang ang mga kasapi ng Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 15 at mga operatiba ng iba’t-ibang mga units ng Cotabato City Police Office, pinamumunuan ni Col. Jibin Bongcayao, sa entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mag-ina.

Ayon kay De Guzman, naging matagumpay ang naturang entrapment operation dahil sa suporta barangay officials at mga miyembro ng multi-sector Cotabato City Peace and Order Council na ang chairperson ay si Mayor Bruce Matabalao.

Nakakulong na si Montar habang ang kanyang 16-anyos naman na anak ay nasa magkatuwang na kustodiya na ng PRO-BAR at ng local government unit ng Cotabato City. (August 9, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *