COTABATO CITY (July 25, 2026) — Nagtulungang magsagawa ng tree-planting ang Maguindanao del Norte Provincial Police Office at mga municipal officials sa Datu Blah Sinsuat sa probinsya, bilang joint environment-protection activity, sa isang highland area sa naturang bayan nitong Lunes, July 20.
Sa ulat nitong Sabado, July 25, ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang naturang tree-planting event ay kaugnay ng pag-obserba ng pulisya ng ika 31 Police Community Relations Month, isang annual activity ng Philippine National Police.
Ang tree-planting activity ng Datu Blah Sinsuat local government at ng mga Maguindanao del Norte provincial police officials ay isinagawa sa isang hillside sa gilid ng highway sa Kapayawi area sa Datu Blah Sinsuat, isang beachfront municipality.
Mismong si Datu Blah Sinsuat Mayor Raida Tomawis Sinsuat, chairperson ng multi-sectoral Datu Blah Sinsuat Peace and Order Council, ang nanguna sa mga local officials na kasama sa pagsagawa ng naturang tree planting activity, katuwang ang mga kinatawan ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office, noon pinangungunahan ni Lt, Col. Jeff Richard Manogura.
Kasama din sa naturang tree planting activity ang mga officials ng Marine Battalion Landing Team 5 ng Philippine Navy at mga tropa ng ibat-ibang mga units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ang presidente ng Association of Barangay Captains sa Datu Blah Sinsuat, si Mohamad Sinsuat, Jr.
Ang Datu Blah Sinsuat, isang coastal town, ay kilalang fishing capital ng Maguindanao del Norte, tinataguriang most peaceful town sa probinsya.
Ayon kay Salanguit, nagalak ang regional director ng PRO-BAR, si Brig. Gen. Christopher Abecia, sa kooperasyon ng administrasyon ni Mayor Sinsuat at ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office sa pagsagawa ng naturang matagumpay na tree-planting activity. []
