KORONADAL CITY (July 18, 2026) — Tumanggap ng kaukulang pagkilala ang Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, mula sa local government unit ng Malungon sa probinsya ng Sarangani kaugnay ng walang patid na mga community development at public service programs ng kumpanya sa naturang bayan mula pa 2007.
Iniulat nitong Sabado, July 18, ng mga barangay at municipal officials at ng kanilang mga sakop na community leaders na mismong ang kanilang mayor, si Reynaldo Constantino, ang siyang nanguna sa paggawad ng special citation plaque, nitong Lunes, July 13, sa SMI bilang pagkilala sa walang patid na kooperasyon ng kumpanya at ng kanilang municipal government sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan ng mga residente ng Malungon.
Iginawad nila Mayor Constantino ang naturang special commendation sa SMI bilang isa sa mga tampok na mga aktibidad kaugnay ng Stakeholders’ Partnership Day at Municipal Nutrition Month Celebration sa Malungon nitong Lunes, ginanap sa isang LGU function facility sa sentro ng naturang bayan. May temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan” ang Nutrition month activities ng Malungon LGU.
Ayon sa mga local officials sa Malungon, maliban sa mga health and medical service activities ng SMI para sa mga residente ng mga barangay sa kanilang bayan, marami ng mga sakop nila, mula sa mga mahirap na pamilya, ang nagtapos ng college degrees bilang mga benepisyaryo ng scholarship program ng kumpanya.
Ayon kay Mayor Constantino, mula pa 2007 ay masigasig na ang mga humanitarian activities ng SMI sa Malungon kaugnay ng corporate social responsibility programs ng kumpanya.
Sa mga hiwalay na pahayag, ipinaabot nila Mayor Constantino at kanyang constituent-municipal councilor na si Erwin Asgapo sa SMI ang kanilang pasasalamat sa mga malalaking ambag nito sa mga community health programs ng Malungon LGU. Si Asgapo ang chairperson ng Committee on Health and Sanitation ng Malungon municipal council.
Nagpasalamat din sa SMI si Municipal Nutrition Action Officer Rosalyn Constantino na kasama sa mga LGU officials na magkatuwang na nagpapatupad ng mga nutrition programs sa kanilang bayan na masigasig na sinusuportahan ng SMI. [][]
