PIKIT, Cotabato (August 28, 2026) — Kumbinsido ang mga residente, mga municipal at barangay officials sa Bangsamoro Special Geographic Area, o SGA, na ang magandang kalusugan, walang malalang mga sakit na mga mamamayan ang isa sa susi para sa kaunlaran at kapayapaan sa lahat ng lugar na kanilang nasasakupan.
Ito ang kanilang ipinaabot nitong Biyernes, August 28, sa mga reporters sa Cotabato City at sa mga bayang sakop ng probinsya ng Cotabato sa Region 12, na siyang kinaroroonan ng walong mga bayan sa SGA na sakop na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa pamamagitan ng mga reporters, ipinaabot din kay Bangsamoro parliament member Kadil “Doc Jojo” Sinolinding, Jr., kasalukuyang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ng mga local officials at mga residente ng apat na bayan sa SGA — ang Old Kaabacan, Kapalawan, Malidegao at Ligawasan — na muling naging produktibo sa pagsasaka at pangingisda sa mga ilog at mga lawa na konektado sa Ligasawan Marsh ang daan-daang mga ama at ina ng tahanan na nagamot ang mga sakit ng kanyang public service teams sa mga serye ng relief missions mula 2022.
Ayon sa mga municipal at barangay officials sa Old Kaabacan, Kapalawan, Malidegao at Ligawasan, hindi kikita ng sapat ang mga ama at ina ng tahanan para sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak na nag-aaral pa kung ang mga ito ay may mga problema sa kalusugan.
Para sa municipal officials, mga Muslim at Christian community leaders sa naturang apat na mga bayan, isang hadlang para sa pagkamit ng peace and development sa kanilang mga barangay ang ganoong kalagayan ng mga magulang ng mga kabataan kung hindi agad na natutugunan.
Sa mga hiwalay na pahayag, kumbinsido din ng mga local executives sa Old Kaabacan, Kapalawan, Malidegao at Ligawasan na ang peace and sustainable development at good governance sa kanila-kanilang mga bayan ay mas magiging mabilis kung ang kanilang mga sakop na mga residente ay malusog at walang mga karamdaman.
Kanilang hiniling kay parliament member Sinolinding na huwag ng tigilan ang health care and disease control programs ng kanyang tanggapan at ng humanitarian team ng Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato ang kanilang mga programang umaalalay sa governance capability-building activities ng local government units sa Old Kaabacan, Kapalawan, Malidegao at Ligawasan.
Naging katuwang nila Sinolinding sa kanilang mga humanitarian missions mula 2022 sa naturang apat na bayan ang tanggapan ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, bagama’t hindi na sakop ng kanyang administrasyon SGA na naging parte ng BARMM sa pamamagitan ng isang plebisito noong 2019.
Ayon sa mga municipal officials, kabilang sa mga natulungan na mga pasyente ng tanggapan ni member of parliament Sinolinding at ng outreach teams ng Ministry of Health-BARMM na kanyang pinamumunuan nitong nakalipas na apat na taon ay hindi bababa sa 500 na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front sa Old Kaabacan, Kapalawan, Malidegao at Ligawasan. []
