Apat na magkasabwat na drug den operators, isa sa kanila menor-de-edad, ang naaresto nitong Martes, August 5, 2025, ng mga pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Rosary Heights 9 sa Cotabato City na nailatag sa tulong ng mga impormanteng alam ang kanilang mga illegal na gawain.
Nakadetine na ang tatlo sa mga naaresto — sina Andres Pamplona Aquit, Eddie Mojado Catada at Marlon Montenegro Canizares — habang ang pang-apat na suspect, isang menor-de-edad, ay nasa magkatuwang na kustodiya na ng Cotabato City local government unit at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Kinumpirma ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaka-entrap sa apat ng mga operatiba ng iba’t-ibang units ng Cotabato City Police Office, sa pamumuno ni Col. Jibin Bongcayao, at ng mga anti-narcotics agents ng City Police Precinct 2 sa isang lugar sa Barangay Rosary Heights 9 nitong hapon ng Martes.
Agad na inaresto ng hindi mga unipormadong pulis mula sa City Police Precinct 2, pinangungunahan ni Major Teofisto Ferrer at Bongcayao, sina Aquit, Catada Canizares at ang kanilang 16-anyos na lalaking kasabwat matapos silang bentahan ng shabu mismo sa kanilang drug den sa Barangay Rosary Heights 9.
Ayon kay De Guzman, katuwang ng PRO-BAR ang tanggapan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa paglatag ng naturang entrapment operation.
Agad na naisara ang drug den ng apat na suspects kung saan sila nagsasagawa ng pot sessions para sa bumibili sa kanila ng shabu mula sa ibat-ibang mga mga lugar Cotabato City. (August 5, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)

Leave a Reply