Daan-daang pang Cotabateños BFP members, supporters na

COTABATO CITY (September 11, 2026) — Karagdagang daan-daan pang mga residente ng Cotabato City ang kusang loob na nagpa-miyembro na, bilang supporters at peacebuilders, ng Bangsamoro Federalist Party, o BFP, na may mga kandidato para sa parliamentary districts ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa lungsod.

Ang Cotabato City, may 37 barangays, ay siyang kabisera ng BARMM na sakop ang mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan at Tawi-Tawi at dalawa pang lungsod, ang Lamitan at Marawi, at walong mga bagong tatag na municipalities sa Bangsamoro Special Geographic Areas sa probinsya ng Cotabato na sakop ng Administrative Region 12.

Mas marami pang mga taga Cotabato City ang sumanib na sa Bangsamoro Federalist Party nitong nakalipas na dalawang linggo, ayon sa pahayag nitong Biyernes sa mga media outfits sa lungsod ng mga barangay officials at mga local Muslim, Christian at non-Moro indigenous community leaders.

Nagtipon ang daan-daang mga residente ng Cotabato City sa ibat-ibang mga venue ng voters education activities ng Bangsamoro Federalist Party nitong nakalipas lang na mga araw, kung saan sila at ang kanilang mga community leaders ay nangako ng suporta sa inisyatibo ng Cotabato City Police Office, ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at ng 6th Marine Battalion ng 1st Marine Brigade, na may mga tropa sa kani-kanilang mga barangay, na maging mapayapa at malinis ang September 14 BARMM parliamentary elections sa lungsod.

Ang abogadong si Naguib Sinarimbo, kasalukuyang miyembro ng 80-seat Bangsamoro parliament, dating local government minister ng BARMM, ang isa sa mga kandidato ng Bangsamoro Federalist Party para sa parliamentary seats sa Cotabato City, na may tatlong parliamentary districts. Siya ay kandidato ng partido para sa parliamentary seat ng 2nd district sa Cotabato City.

Una ng nagpahayag sina parliament member Sinarimbo at mga barangay officials sa Cotabato City at ang kanilang chief executive, si Mayor Bruce Matabalao, ng suporta sa pagsisikap ng pulisya at militar at the Commission on Elections na na maging mapayapa at malinis ang isasagawang parliamentary elections sa kani-kanilang mga lugar ngayon Lunes, September 14.

Makikita sa dalawang mga larawan ang mga pagtitipon ng mga residente ng Cotabato City kaugnay ng kanilang pagsanib sa Bangsamoro Federalist Party, isa sa mahigit 10 na mga regional political parties na pinahintulutan ng Comelec na lumahok sa September 14 parliamentary elections sa BARMM.