COTABATO CITY (April 11, 2026) — Nagpulong nitong Huwebes, April 9, sina Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza at si Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua sa isang lugar hindi kalayuan dito sa lungsod kaugnay ng kanilang pagtutulungan na maging mapayapa at maunlad ang mga Moro communities sa kanyang probinsya.
Si Gov. Mendoza ay chairperson din ng multi-sector, inter-agency Regional Development Council 12 na sakop ang mga probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani at ang mga lungsod ng Kidapawan, Tacurong, Koronadal at General Santos.
May mga baluarte sa Cotabato province ang Moro National Liberation Front at ang Moro Islamic Liberation Front na may mga hiwalay na peace agreements sa Malacañang. Parehong may mga representatives ang MNLF at MILF sa 80-seat parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Bago sila nag-usap nitong Huwebes ni Chief Minister Macacua, na siyang pinaka-mataas na official ng regional government ng BARMM, una ng tiniyak ni Gov. Mendoza, chairperson ng Cotabato Provincial Peace and Order Council, ang kanyang suporta sa mga nakatakdang peace and security activities ng mga regional police offices sa Region 12 at BARMM, ng 602nd Infantry Brigade at ng 6th Infantry Division at ng Commission on Elections kaugnay ng nakatakda ng September 14, 2026 first regional parliamentary elections sa rehiyon.
Bagama’t wala namang partisipasyon ang Cotabato province sa naturang electoral exercise, nais ni Gov. Mendoza na makatulong na maging mapayapa at malinis ang first BARMM elections sa Special Geographic Area sa probinsya na kanyang tinutulungang maging investment destination ng mga pwedeng maglagak ng puhunan para sa mga industriya at mga agricultural projects doon upang makakapag-generate ng employment para sa mga residenteng Moro at ng income din para sa kanilang mga local government units.
Kabilang sa mga lugar na saklaw ng September 14 BARMM elections ang walong mga predominantly Moro municipalities sa Special Geographic Area sa Cotabato province na, bagamat hindi na sakop ng kanyang tanggapan, ay patuloy pa rin ang mga basic services nito sa mga Moro communities sa naturang mga bagong tatag na mga bayan.
Sa kanilang dayalogo, muling tiniyak ni Gov. Mendoza kay Chief Minister Macacua, na siyang figurehead ng 80-seat Bangsamoro parliament at siya ring chief ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF, ang patuloy na serbisyo publiko ng kanyang administrasyon sa mga residente ng walong mga BARMM municipalities sa Special Geographic Area na may 63 barangays na dating sakop ng mga municipalities ng Cotabato province.
Matagal ng ring nagtutulungan sina Gov. Mendoza at ang BARMM government sa pagpapalaganap ng religious at cultural solidarity ng mga Muslim, Christian at indigenous non-Moro communities sa Cotabato province.
Makikita sa larawan si Gov. Mendoza, ang kanyang executive assistant na si Jessie Francisco Enid, Jr. sa bandang gitna at si Chief Minister Macacua sa kanan, kuha matapos ang kanilang peace and development dialogue nitong Huwebes. []
