Construction worker na shabu dealer sa Cotabato City, arestado

Isang 54-anyos na construction worker na sideline ang patagong pagbebenta ng shabu ang nalambat ng mga pulis sa Barangay Rosary Heights 11 sa Cotabato City nitong Lunes, August 4, 2025.

Kusang loob na nagpaaresto na ang suspect, si Heler Bugahod Hatague, ng kanyang mapuna na mga operatiba pala ng iba’t ibang units ng Cotabato City Police Office, pinamumunuan ni Col Jibin Bongcayao, ang kanyang nabentahan ng shabu sa 4th Road ng Mento’s Village sa Barangay Rosary Heights 11.

Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ilang mga kakilala ni Hatague ang nagsuplong ng kanyang pagbebenta ng shabu sa Cotabato City kaya naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Si Hatague ay nakapiit na sa isang police detention facility, nahaharap na sa kasong paglabag sa Compherensive Dangerous Drugs Act of 2002. (August 5, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *