BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (August 6, 2025, Victor Martin) — Pormal na inihainsa Kongreso ni Nueva Vizcaya Congressman Tim Cayton ang House Bill 2691 nanaglalayong isabatas ang paggawad ng P1,500 monthly pension para sa lahat ngmga senior citizens sa bansa.
Ayon kay Cayton, ang nasabing House Bill 2691 ay para sa ikakabuti ng lahat ng mga Filipinosenior citizens, anuman ang kanilang mga estado sa buhay.
Ipinaliwanag Cayton na sa loob ng siyam na taon na pagiging mayor niya sa bayan ng Dupax del Norte, mula 2016 hanggang2025, ay walang napag-iwanan sa kanyang mga constituents na mga senior citizens sa kanyang programang magka-pension silang lahat.
“Walang maiiwan. Let’s give our elders the support and dignity they truly deserve,” pahayag ni Cayton na isangkilalang abogado.
Dahil sa naturang mga programa at iba pang mga social services initiatives ng Dupax del Norte local government unit, tumanggap ng parangal si Cayton bilang isa sa mga outstanding mayors of the Philippines noong 2023.
“Our senior citizens will always occupy a special place in my heart,” pahayag ng mambabatas.
Dahil sa mga social services na ipinatupad ni Cayton sa kanyang bayan, katulad ng pagtulong sa mga elders, kabataan,magsasaka at iba’t-iba pang mga sectors, suportado ng mga botante sa kanyang distrito ang kanyang kandidatura sa pagka-kongresista nitong May 12, 2025 elections.
Inaasahan ng maraming senior citizens na aaprubahan ng Kongreso ang House Bill 2691 para sa kanilang ikakabuti. (VICTOR MARTIN)

Leave a Reply