College of Law building sa MSU-Tawi-Tawi, ginagawa na

COTABATO CITY (April 28, 2026) — Pormal na pinasimulan na ang construction ng College of Law school building sa Mindanao State University-Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography.

Ang proyekto ay kaugnay ng multi-sector initiative na naglalayong mabigyan ng advantage ang mga prospective law students mula sa iba’t-ibang bayan sa Tawi-Tawi na makapag-aral ng abogasya mismo sa kanilang probinsya.

Isinagawa ang naturang symbolic infrastructure project launching sa campus ng MSU-Tawi-Tawi sa Bongao, capital town ng Tawi-Tawi, nito lang nakalipas na Sabado, April 25, pinangunahan ng MSU-Tawi-Tawi officials at ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr.

Isa si Gov. Adiong sa mga masigasig na nagmungkahi ng pagtatag ng isang law school sa MSU-Tawi-Tawi ng kanyang madiskubre ang labis na kakulangan ng mga abogado sa Tawi-Tawi na makakapag-serbisyo sa mga taga probinsya.

Nagalak ang mga local executives, kabilang si Tawi-Tawi Gov. Ysmael Sali, sa nagsimula ng construction ng College of Law school building sa MSU-Tawi-Tawu, papangalanang Sultan Basari D. Mapupuno Hall, bilang pagbigay-galang sa kanya na nanilbihan bilang 8th regular president ng Mindanao State University sa Marawi City na saklaw ang operasyon ng MSU-Tawi-Tawi at iba pang MSU campuses sa Mindanao. Matalik na magkaibigan si Gov. Adiong at ang yumao ng ex-MSU president na si Mapupuno.

Ang Marawi City, na kinaroroonan ng main campus Mindanao State University, na may mga MSU campuses din sa iba’t-ibang probinsya sa Mindanao, ay siyang capital ng Lanao del Sur kung saan second term governor na si Gov. Adiong.

Si Gov. Adiong ay isa ring official ng isang pioneer political party sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo, o SIAP Party, na may ekstensibong peace and development, education, socio-economic at mga humanitarian agenda na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng Muslim, Christian at indigenous non-Moro communities sa BARMM.