COTABATO CITY (September 12, 2026) — Isang kilalang beteranong regional lawmaker — si Datu Bimbo Quesada Sinsuat, Sr. — na nagsimula ang public service career bilang official ng nabuwag ng Lupong Tagapagpaganap ng Pook 12 at ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ay kandidato para sa Bangsamoro parliament bilang nominee ng BARMM Grand Coalition, number 5 sila sa balota.
Gaganapin na sa Lunes, September 14, ang regional elections at ang BARMM Grand Coalition ay ang isa sa mga partidong pinahintulutan ng Commission on Elections na lumahok sa naturang electoral exercise, pinakauna sa autonomous region mula ng ito ay itinatag noong 2019, kapalit ng less empowered at noon ay 27 taon ng ARMM.
Si Datu Bimbo, habang official ng nabuwag ng LTP 12 at ARMM, ay aktibo sa mga peace and sustainable development programs ng naturang mga autonomous government entities, parehong naitatag kaugnay ng Mindanao peace process ng Mindanao Moro communities at ng national government.
Siya ay kabilang sa mga nominees, para sa bloc representation ng BARMM Grand Coalition sa 80-set Bangsamoro parliament, at number 5 sila sa balota.
Kabilang sa mga local executives na mga founders ng BARMM Grand Coalition sina Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. at Basilan Gov. Mujiv Hataman. Maliban sa kanyang posisyon sa BARMM Government Coalition, si Adiong ay isa rin sa mga top official ng pinaka-pioneer na regional political party sa Bangsamoro region, ang Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo, o SIAP, na kabilang sa mga miyembro ang mahigit 30 sa 39 na mga mayors ng mga bayan sa Lanao del Sur.
May special blessing ang BARMM Government Coalition sa kandidatura ni Bai Sandra Sema sa pagka-parliament member ng 4th parliamentary district ng Maguindanao del Norte, isa sa limang probinsya sa autonomous region. Sakop ng naturang distrito ang mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat at Upi.
Si Bai Sandra, kasapi ng influential at well-organized din na Bangsamoro Party, o BaPa Party ng Moro National Liberation Front, ay popular sa kanyang pag-suporta sa pagtatag ng BARMM noong siya ang congressional representative, o congresswoman, ng first district ng Maguindanao na nahati na sa dalawa, ang Maguindanao del Norte at ang Maguindanao del Sur.
