BARMM suportado ang imbestigasyon sa Basilan sea tragedy

COTABATO CITY (January 31, 2026) — Limang mga kasapi ng 80-seat Bangsamoro parliament ang magkatuwang na nag-draft ng resolution na nag-uutos sa kanilang committee on transportation and communications na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa paglubog ng M/V Trisha Kirsten 3 sa karagatang sakop ng Basilan madaling araw nitong Linggo, January 25.

Nais ng mga authors ng naturang resolution, sina Jet Lim na siyang spokesperson ng parliament, si Jose Lorena, Nabil Tan, Don Mustapha Loong at Nurredha Misuari, mga kasapi ng 80-seat Bangsamoro parliament, na mabigyang linawag ang insidenteng gumulantang sa Bangsamoro Autonomous Region at sa buong bansa.

Nai-submit na sa Bangsamoro parliament nitong Biyernes, January 30, ang draft ng resolution nila Lim, Lorena, Tan, Loong at Misuari para sa kaukulang deliberasyon at approval ng parliament bilang isang regional law-making body.

Bagamat hindi pa natatalakay sa parliament, nagpahayag na ng kanyang pagpapahalaga sa naturang resolution si Chief Minister Abdulrauf Macacua ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pinakahuling tala, abot na ng 33 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya at 316 naman na mga sakay ng naturang barko ang nasagip ng mga rescuers mula sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, ng Philippine Navy at ng Philippine Coast Guard.

Nakasaad sa draft resolution ng mga parliament members na sina Lim, Lorena, Tan, Loong at Misuari ang mungkahing pigilan ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region ang operasyon ng lahat ng mga barko ng kumpanyang nagmamay-ari M/V Trisha Kirsten 3.

Ang draft resolution nilang lima ay bilang suporta sa mga naunang direktiba ng mga central offices ng Department of Transportation and Communications at ang Maritime Industry Authority na nag-pagpapatigil sa paglalayag ng mga barko ng Aleson Shipping Lines kaugnay mg paglubog ng M/V Trisha Kirsten 3 sa karagatang sakop ng Basilan.

Ayon sa abugadong si Lim, na taga Tawi-Tawi, spokesperson din ng Bangsamoro parliament, naniniwala silang bibigyan ng basbas ng 80-seat parliament ang kanilang panukalang resolution.

/Sa kanilang draft resolution, inatasan nilang mag-tutulungan ang MoTC-BARMM at ang Bangsamoro Ports Management Authority sa pagpapatigil sa operation ng lahat ng mga barko ng Aleson Shipping Lines sa mga territorial seas ng Bangsamoro region at tumulong sa imbestigasyon ng national government agencies sa pag-imbestiga sa paglubog ng M/V Trisha Kirsten 3.