BARMM labor minister, Moro students sa Saudi Arabia, nagtagpo

COTABATO CITY (March 24, 2026) — Nagpalitan ng kanilang kuro-kuro tungkol sa maraming mga bagay-bagay sa Moro homeland si Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema at ilang mga Moro students sa Islamic University of Madinah sa Medina, Saudi Arabia sa kanilang pagkikita sa naturang bansa nitong nakalipas lang na linggo.

Maliban sa kanyang pamamahala ng Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MoLE-BARMM), chairman din si Bangsamoro Labor Minister Sema ng central committee ng Moro National Liberation Front (MNLF) na may peace agreement sa national government, nabuo noong September 2, 1996, resulta ng tatlong dekadang negosasyon na unang nagsimula sa pagkaka-buo ng dalawang panig ng Government-MNLF December 23, 1976 Tripoli Agreement sa Tripoli, Libya.

Nag-umrah, o minor pilgrimage sa Makkah, Saudi Arabia nitong nakalipas na linggo si Bangsamoro Labor Minister Sema at ang kanyang pamilya at, habang siya ay nandoon, nakipagkita sa ilang mga Moro Mindanaons na mga estudyante ng Islamic University of Madinah.

Hinikayat ni Bangsamoro Labor Minister Sema ang kanyang mga nakadaupang-palad na mga estudyante, sa isang simpleng pagtitipon, na pagbutihan ng kanilang pag-aaral upang ganap silang makapagsilbi sa mga Moro communities kung tapos na sila sa kanilang pag-aaral ng Islamic theology sa naturang international na pamantasan.

Ang Islamic University of Madinah ay itinatag ni King Saud bin Abdulazis ng Saudi Arabian monarch noong 1961 at marami ng mga Filipino Muslims ang naging Islamic missionaries matapos mag-aral doon.

Si Bangsamoro Labor Minister Sema, kilalang peace advocate, ay masigasig ang pag-suporta sa mga Islamic religious groups na nagsusulong ng mga programang naglalayong mapalakas at maging masigasig ang religious at cultural solidarity ng mga Moro at non-Moro communities sa Bangsamoro region.

“Being here, in a place of faith and learning, and seeing our youth pursue knowledge reminds me not only of our earlier days of (our) struggle, but also of the broader mission of the Prophet Muhammad, sallallahu alayhi wasallam (peace be upon him) to uplift his people from ignorance, poverty, and injustice,” pahayag ni Bangsamoro Labor Minister Sema kaugnay ng kanilang pagkita sa Saudi Arabia ng ilang mga estudyanteng mga Moro sa Islamic University of Madinah.

Si Sema ay naging three-mayor din ng Cotabato City, ang kabisera ng BARMM.

Makikita sa larawan sina Bangsamoro Labor Minister Sema (sa gitna) at ang mga Moro students ng Islamic University of Madinah na kanyang naka-pulong mismo sa Saudi Arabia nitong nakalipas lang na linggo. []