Nagsisikap ang pulisya, ang militar at ang bagong halal na mayor na ng Datu Odin Sinsuat, si Abdulmain Abas, na maayos sa tradisyonal na pamamaraan ang sigalot ng dalawang mga armadong grupo sa Barangay Bagoinged sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte na nagbarilin kamakalawa.
Napaghiwalay na ng mga kinauukulan ang dalawang grupo at nagsisikap na sina Mayor Abas at iba pang local officials na mapanumbalik ang kaayusan sa Barangay Bagoinged na binulabog ng barilan ng dalawang grupo na armado ng assault rifles at grenade launchers na naka-apekto sa hindi bababa sa 400 na mga pamilyang walang kinalaman sa kaguluhan.
Marami sa mga apektadong residente ay napilitang lumikas sa mga ligtas na lugar sa kalagitnaan ng barilan ng dalawang mga grupo. (July 12, 2025)

Leave a Reply