Ayudang pang-masa mula mga motorista at vice gov ng probinsya

COTABATO CITY (March 14, 2026) — Halos 2,000 na mga elementary pupils, high school at college students, mga mahirap na mga residente, senior citizens at persons with disabilities ang naka-benepisyo sa magkatuwang na Ramadhan outreach mission ng BOSS Ironman Riders at ng tanggapan ni Maguindanao del Norte Vice Gov. Marshall Sinsuat nitong Huwebes, March 12, sa campus ng Mindanao State University sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ang BOSS Ironman Riders, isang nationwide na organisasyon ng mga motorista na big bike, o malalaking motorsiklo ang gamit, ay may mga grupo sa Maguindanao del Norte at mga karatig na probinsya sa Central Mindanao.

Mismong mga local executives at mga traditional Moro datus sa Datu Odin Sinsuat, kabilang ang isang ranking provincial member ng BOSS Ironman na si Asnawi Sinsuat Limbona, pangunahing organizer ng naturang Ramadhan community service activity, ang nagpa-abot sa mga reporters nitong Sabado, March 14, ng kanilang pasasalamat kay Vice Gov. Sinsuat sa kanyang pag-suporta sa naturang public service engagement.

Si Limbona ay dating miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, o provincial board ng Maguindanao, bago ito nahati sa dalawang probinsya — ang ngayon ay Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur — mahigit tatlong taon na ang nakakalipas.

Sa ulat nitong Sabado, March 14, ng mga organizers ng outreach activity nito lang Huwebes sa MSU campus, 1,200 na bags ng bigas mula sa tanggapan ni Vice Gov. Sinsuat ang kanilang naipamahagi sa mga mahirap na residente ng Datu Odin Sinsuat na nagtipon noon sa gymnasium ng naturang institusyon.

Maliban sa 1,200 bags ng bigas, namigay din sila noon ng 300 na mga raincoats, 300 na mga backpacks at 300 na mga sandals sa mga elementary pupils at mga junior high school students mula sa mga mahirap na pamilya sa Datu Odin Sinsuat.

Ang mga miyembro ng BOSS Ironman Riders ay suportado ang mga public service programs ng mga local government units at mga line agencies ng national government sa kani-kanilang mga lugar sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.

Makikita sa larawan si BOSS Ironman Rider club member Limbona kasama ang mga batang tumanggap ng mga raincoats, mula sa tanggapan ni Vice Gov. Sinsuat, na kanilang ipinamahagi sa kanilang joint Ramadhan community service activity sa campus ng MSU sa Dalican sa sa Datu Odin Sinsuat nitong Huwebes.