3 Dawlah terrorists patay sa Lanao Sur encounter

Talong miyembro ng teroristang grupong Dawlah Islamiya sa Lumbayanague, Lanao del Sur ang napatay ng mga sundalo at mga pulis nitong madaling araw ng Sabado, August 9, 2025, ng nanlaban habang hahainan sana ng mga warrants of arrest para sa mga high-profile criminal cases na kanilang kinakaharap sa mga korte.

Kinumpirma nitong hapon ng Sabado ng mga opisyal ng Western Mindanao Command, ng 1st Infantry Division at ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, ang bagong talagang commander ng Philippine Army, ang insidente na naganap sa Barangay Lamin sa Lumbayanague.
Sa ulat ng mga kinauukulan sa Lanao del Sur, nasawi sa naturang engkwentro ang mga teroristang sina Abdullah, Mohammad, at Rahma.

Tatlong mga Dawlah Islamiya terrorists —- sina Asnawi, Norhan, at Fahad — ang nasukol at na nadetine ng mga pulis at ng mga tropa ng mga units ng 103rd Infantry Brigade habang tatakas na sana ng makitang nakahandusay na ang kanilang tatlong mga kasama, namatay sa mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Isang sundalo ang nagtamo ng tama ng bala sanhi ng naturang engkwentro.

Natagpuang nakakalat sa encounter scene ang ilang mga assault rifles, isang shoulder-fire 40 millimeter grenade launcher, mga improvised explosive devices at mga itim na mga bandila na hawig sa mga bandilang gamit ng Islamic State of Iraq and Syria, o ISIS.

Ang mga Dawlah Islamiya terrorists na nasawi sa engkwentro sa Lumbayanague ay dating mga kasapi diumano ng nabuwag ng Maute terror group na sangkot sa madugong 2017 Marawi siege.

Sila ay mga wanted sa kasong multiple murder, multiple frustrated murder, extortion, at armed robbery na nakabinbin sa iba’t-ibang mga korte sa mga probinsya ng Lanao del Sur at Lanao del Norte at sa mga lungsod ng Marawi at Iligan. (August 9, 2025, Lanao del Sur, Bangsamoro Region)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *