CIDG agent, traffic enforcer patay sa engkwentro

Patay ang isang agent ng Criminal Investigation and Detection Group at isang civilian traffic enforcer sa isang engkwentro sa Barangay Santa Cruz sa San Jose sa probinsya ng Dinagat Islands sa Region 13 madaling araw nitong ng Huwebes, August 7, 2025.

Iniulat nitong Biyernes ng mga opisyal ng Dinagat Islands Police Provincial Office at ng CIDG Dinagat Field Office sa probinsya na minamanmanan lang sana ni Patrolman Ferry Sida Jaso, kasama ang isang pang pulis, ang traffic enforcer na si Anjun Casador na biglang bumunot ng .45 caliber pistol at agad siyang binaril sa ulo.

Ayon sa ulat, si Casador ay isang traffic enforcer ng Land Transportation Office, casual employee ng naturang ahensya.

Ayon sa mga lokal na kinauukulan, naatasan si Laso at ang kanyang kasamang si Patrolman Leonel Estroso ng kanilang mga opisyal na i-surveillance si Casador dahil sa illegal possession of firearms at pagkakasangkot sa mga illegal na gawain.

Ayon ng mga opisyal ng Dinagat provincial police office at ng mga local executives sa San Jose, nahalata ni Casador ang pagmamanman sa kanya ni Jaso kaya agad niya itong binaril sa ulo na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Dinampot pa ni Casador ng Taurus 9 millimeter pistol ni Jaso at aktong tatakas na sana ngunit agad namang siyang nabaril ni Estroso na nagsanhi din ng kanyang agarang pagkamatay.

Makikita sa larawan si Jaso at ang nakapatay kanyang si Casador na napatay din ng isa pang CIDG agent sa naturang insidente.

Makikita sa larawan ang napaslang na si Jaso at ang napatay din ng kanyang kapwa CIDG agent na si Casador. (August 8, 2025, Dinagat Islands, Region 13)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *