Pulis nag-holdap ng convenience store, kulong

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang police corporal na naaresto matapos mag-holdap at nakunan ng P12,000 ang kahera ng isang convenience store sa Barangay Damilag sa Manolo Fortich, Bukidnon nitong Martes, August 5, 2025.

Sa pahayag nitong Huwebes ng mga local executives sa Manolo Fortich at ng mga officials ng multi-sector Bukidnon Municipal Provincial Peace and Oder Council, ang service pistol ng naka-detine ng suspect, si Police Cpl. Danilo Javiero, ang kanyang ginamit mismo sa pagholdap ng kahera ng isang 7-Eleven branch sa Barangay Damilag.

Ayon kay Major Jayvee Babaan, spokesman ng Bukidnon Provincial Police Office, agad na naaresto ang suspect ng mga pulis na nag-responde sa insidente matapos iulat ng mga empleyado ng establisemento ang insidente sa Manolo Fortich Municipal Police Station.

Nasa labas na ng 7-Eleven branch sa naturang bayan at tatakas na sana si Javiero, ng masukol ng mga kapwa pulis at naaresto. Si Javiero at naka-destino sa Malaybalay City na sakop din ng Bukidnon, isa sa mga probinsya sa Region 10.

Naibalik na sa management ng 7-Eleven branch sa Manolo Fortich ang perang nakulimbat ni Javiero mula sa kahera nito.

Ayon kay Babaan, maliban sa criminal case na kanyang kinakaharap, nasampahan na rin ng administrative case ang suspect dahil sa paglabag nito ng code of conduct para sa mga kasapi ng Philippine National Police. (August 7, 2025, Bukidnon Province, Region 10)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *