Walong mga miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) ang nasawi sa mga serye ng engkwentro sa isang liblib na lugar sa bayan ng Las Navas sa probinsya ng Northern Samar nitong Huwebes, July 31, 2025.
Sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga NPA at mga tropa ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ng kanilang paputukan ang mga ito habang lumalapit sa kanilang kinaroroonan matapos mag-ulat ang ilang mga residente hinggil sa kanilang sapilitang panghihingi ng pera at bigas, habang nakatutok ang mga baril sa kanilang mga binibiktma.
Kilala ang NPA sa pangingikil ng pera sa mga walang kalaban-labang mga civilians na namumuhay ng tahimik.
Magkatuwang na na-turn over na ng mga sundalo at local government officials ang mga labi ng nasawing walong NPA terrorists sa kanilang mga kamag-anak.
Anim na mga baril na nakakalat sa encounter scene ang nasamsam ng mga sundalo. Nakunan din nila ng mga shabu at tuyong marijuana ang mga napatay na NPA, nakasalid sa kanilang mga bulsa at mga sling bags, indikasyon na sila ay lulong sa narcotics at posibleng mga dealers pa nito.
Makikita sa larawan ang mga itim na body bags na naglalaman ng mga bangkay ng walong teroristang mga NPAs at ang kanilang mga combat weapons na nasa kustodiya na ng 8th Infantry Division. (August 3, 2025, Las Navas, Northern Samar, Eastern Visayas Region)

Leave a Reply