2 grupo sa Maguindanao nagkaputukan dahil sa “tanan” issue

Dalawang mga armadong grupo ang nagpalitan ng putok sa isang barangay sa Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong Biyernes, Ang dahilan? Tanan.

Sangkot sa naturang kaguluhan ang grupo ni Sukor Guiamalon ng 106th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front at ang angkan ni Mohammad Tatak, chairman ng Barangay Sapakan sa Mamasapano.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Sabado, August 2, 2025, ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, sumiklab ang labanan ng dalawang grupo matapos magtanan ang anak ni Guimalon at kapatid ni Tatak.

Tutol diumano silang dalawa sa relasyon ng nagtanan nilang mga kaanak.

Agad na namagitan ang local officials sa Mamasapano at mga police at Army units na naka-deploy sa naturang bayan at kanilang napahupa ang tensyon sa dalawang panig.

Wala namang naiulat na nasawi, o nasaktan sa insidente ngunit ito ay nagsanhi ng takot sa mga residente ng naturang bayan.

Iniulat ng mga kinauukulan nitong Sabado, August 2, na nagkasundo na ang dalawangh panig at itinakda na ang kasal ng mga nagtanan upang tuluyan ng maging magkabiyak at mamuhay na ng tahimik.

Makikita sa larawan ang pagtigil ng daloy ng mga sasakyan sa sa highway sa Mamasapano dahil sa girian ng dalawang mga armadong grupo dahil lang sa kanilang reaksyon sa pagtanan ng kanilang mga kaanak. (August 2, 2025, Mamapasanao, Maguindanao del Sur, Bangsamoro Region)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *