Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P2 million na halaga ng shabu sa isang dealer na nalambat sa Poblacion Dalican sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Biyernes, August 1, 2025.
Nakakulong na ang suspect, si Anton Unotan Ambalgan, na naaresto ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, pinangungunahan ng kanilang hepe na si Lt. Col Esmael Madin, sa isang anti-narcotics operation sa Sitio Lumpong sa Poblacion Dalican sa naturang bayan.
Sa ulat ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, katuwang ni Madin at ng mga opisyal ng ibat-ibang PRO-BAR units sa pag-latag ng naturang entrapment operation ang Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ang dalawang pangunahing local executives sa Datu Odin Sinsuat, si Mayor Abdulmain Abas at Vice Mayor Bobsteel Sinsuat.
Ayon kay De Guzman, kusang loob ng nagpaaresto si Ambalgan ng mahalatang mga hindi unipormadong mga pulis pala ang kanyang nabentahan sa naturang entrapment operation ng 300 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P2 million.
Ayon kay De Guzman isang malaking puntos para sa anti-narcotics campaign ng PRO-BAR sa Datu Odin Sinsuat ang masigasig na suporta sa naturang inisyatibo ng mga kasapi ng multi-sector municipal peace and order council nito. (August 1, 2025, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, Bangsamoro Region)

Leave a Reply