Isang off-duty na kasapi ng Makilala municipal police force sa Makilala, Cotabato ang nasaksak ng kutsilyo sa dibdib ng isang salarin nitong madaling araw ng Biyernes sa isang lugar sa Kidapawan City Sports Complex sa Kidapawan City.
Sa inisyal na ulat ni Lt. Col Dominador Palgan, Jr. hepe ng Kidapawan City police, agad na naisugod hospital ang biktimang si Cpl. Mark Pun-an Cadungon, may tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.
Si Cadungon ay residente ng Purok 1 sa Barangay Kisante sa Makilala sa probinsya ng Cotabato, hindi kalayuan sa Kidapawan City, ang kabisera ng Cotabato province.
Isang lalaking nakilala lang pansamantala na Jong-Jong ang itinuturong nakasaksak kay Cadungon.
Mabilis na nakatakas ang suspect ngunit naaresto naman agad sa isinagawang pursuit operation ng mga tropa ng Kidapawan City Police Office ang dalawa niyang diumano mga kasama.
Ang dalawang suspects — sina Harold Amador Santiago at Eleomar Daquipel Cane — ay mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit na nakadestino sa 40th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Si Santiago ay residente ng Quirino Drive sa Poblacion, Kidapawan City. Si Daquipel ay taga Carpenter Street naman sa naturan ding lungsod.
Nakadetine na ang dalawang CAFGU members, sumasailalim na sa procedural police interrogation. (August 1, 2025, Kidapawan City, Region 12) PHOTO ONLY FOR VISUAL AID

Leave a Reply