233 kahon ng smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Sulu

Naharang at agad na nasamsam ng mga pulis sa isang checkpoint sa Luuk, isa sa mga bayang sakop ng Sulu, ang 233 na mga kahon ng imported na sigarilyong lulan ng tatlong jeepney-type na mga sasakyan nitong Huwebes.

Tinatayang hind bababa sa P3.5 million ang halaga ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia na nakumpista sa naturang joint checkpoint operation ng magkasanib na mga tropa ng 1402nd-B Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 14-B at ng Luuk Municipal Police Station, parehong sakop ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, o PRO-BAR.

Sa inisyal na ulat nitong Biyernes, August 1, 2025, ng Sulu Provincial Police Office at ng tanggapan sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte ng director ng PRO-BAR, si Brig. Gen. Jaysen De Guzman, ihahatid sana ang naturang kontrabando ng mga driver ng tatlong sasakyan sa ibat-ibang lugar sa Luuk at mga karatig na lugar ng masabat ng mga pulis.

Nakunan ng isang hindi lisensyadong .45 caliber pistol ang isa sa mga driver ng tatlong sasakyan na naharang sa checkpoint, ayon sa ulat ng Luuk municipal police force.

Nakatakda ng ipakustodiya ng PRO-BAR ang mga sigarilyong gawa sa Indonesia sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon. (August 1, 2025, Luuk, Sulu, Southern Philippines)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *