Driver tinaga ng barangay tanod, patay

Hindi na umabot ng buhay sa hospital isang driver ng sasakyan, si Ariel Ramos Abellana, 57-anyos, na tinaga ng tatlong beses gamit ang matalas at mahabang itak ng kapitbahay nitong umaga ng Miyerkules, July 30, 2025, sa Barrio Pogi sa Barangay 34-D sa Davao City.

Sa ulat nitong Huwebes ng Davao City Police Office, nasa labas ng kanilang bahay si Abellana at kanyang 58-anyos na babaeng kapatid na si Lorna Ramos Abellana ng dumating ang kanilang kapitbahay na barangay tanod na si Michael Poliquit, 39-anyos, may bitbit na itak at agad siyang pinagtataga.

Nasaksak naman si Poliquit ni Abellana ng isang kutsilyo kaya ito nagtamo din ng sugat.

Pareho silang dinala sa Southern Philippines Medical Center ng mga emergency responders. Nadeklarang dead on arrival ng mga doctor sa naturang hospital si Abellana.

Matagal na diumanong may alitan ang dalawa, ayon sa kanilang mga kapitbahay. (August 1, 2025, Davao City)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *