Siyam nasaktan sa aksidente sa Kidapawan City

Siyam na mga individwal ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng pagkabuwal at paglagpak ng patagilid ng isang truck na may kargang mga pinutol-putol na kahoy sa Barangay Paco sa Kidapawan City nitong gabi ng Miyerkules.

Sa ulat ng mga lokal na kinauukulan nitong Biyernes, August 1, 2025, ang truck na nasangkot sa aksidente ay pag-aari ng isang negosyante, si Elmer Mirabueno, isang barangay kagawad sa Barangay Estado sa bayan ng Matalam sa Cotabato, hindi kalayuan sa Kidapawan City na kabisera ng probinsya.

Siyam na mga sakay ng naturang truck ang nagtamo ng mga injuries sanhi ng pagkakadagan sa kanila ng mga karga nitong mga pira-pirasong mga kahoy.

May teorya ang mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office, posibleng mechanical trouble ang dahilan ng pagkabuwal ng patagilid ng naturang truck. (August 1, 2025, Kidapawan City, Cotabato Province, Region 12)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *