2 shabu dealers, na-entrap sa Cotabato City

Nasamsam ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P340,000 na halaga ng shabu mula sa dalawang dealers na na-entrap sa Barangay Poblacion 2 sa Cotabato City nitong hapon ng Huwebes, July 31, 2025.

Agad na inaresto ang dalawang mga shabu dealers ng mga operatiba ng ibat-ibang mga units ng Cotabato City Police Office, pinamumunuan ni Col. Jibin Bongcayao, city police director, at ng mga opisyal ng City Police Precinct 1, na kanilang nabentahan ng 50 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P340,000, sa tabi ng Masagana Street sa Barangay Poblacion 2 sa lungsod.

Sa inisyal na ulat ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naikasa ang naturang entrapment operation sa tulong ng mga kasapi ng multi-sector Cotabato City Peace and Order Council na pinamumunuan ni Mayor Bruce Dela Cruz Matabalao.

Nakakulong na sa detention facility ng Cotabato City Police Station 1 ang dalawang suspects, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay De Guzman. (July 31, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *