Shabu dealer, timbog sa PDEA-BARMM

Isang narcotics dealer na sinasabing may koneksyon sa dalawang mahina ng mga terrorist groups ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency na kanyang nabentahan ng limang gramo ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Balacayon sa Pahamuddin sa probinsya ng Cotabato nitong Martes, July 29, 2025.

Kinumpirma ng mga local executives at ng mga Moro leaders sa Pahamuddin na masigasig ang suporta sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan na maliban sa shabu na nagkakahalaga ng P34,000, nakumpiskahan din ang suspect ng isang MK2 fragmentation grenade, isang .45 caliber pistol at isang improvised 5.56-millimeter revolver.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga local executives at ng mga tropa ng 34th Infantry Battalion na isang component-unit ng 602nd Infantry Brigade.

Ang Pahamuddin ay isa sa walong mga bagong tatag na mga bayan na nasa Special Geographic Area ng Bangsamoro region sa Cotabato province na sakop ng Administrative region 12.

Ayon sa mga kakilala at mga community leaders sa Special Geographic Area, ang nakadetine ng suspect ay matagal ng pinagdududahang may koneksyon sa parehong mga mahina ng magka-alyadong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kaya ito laging may bitbit na mga granada at nagtatago pa diumano ng mga improvised explosive devices sa kanyang mga hideouts.

Kilala ang Dawlah Islamiya at BIFF na nagkakanlong ng mga marijuana at shabu dealers at mga wanted sa mga kasong nakabinbin sa mga korte kapalit ng pera.

Pinasalamatan ni Castro ang mga opisyal ng 34th IB at ang kanilang immediate-superior, si Brig. Gen. Ricky Bunayog ng 602nd Infantry Brigade, sa kanilang suporta sa entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspect, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (July 30, 2025, Pahamuddin, Cotabato Province)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *