P102K shabu nasamsam sa Koronadal City

Nasamsam ng mga hindi unipormadong mga pulis ang abot sa P102,000 na halaga ng shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay General Paulino Santos sa Koronadal City, South Cotabato nitong gabi ng Huwebes, July 24, 2025.

Ayon sa mga local executives at mga barangay leaders sa South Cotabato, ilang beses na nakaiwas ang ngayong ay nakadetine ng si Andy Rey Cabidog Penelvo sa mga tangkang pag-entrap sa kanya ng mga kinauukulan nitong nakalipas na ilang mga buwan.

Iniulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office-12, na nasa kustodiya na nila si Penelvo, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Ardiente, agad na inaresto ng mga operatiba ng Koronadal City Police Station at ng South Cotabato Provincial Police Office si Penelvo matapos siyang magbenta sa kanila ng P102,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok Sariling Atin sa Barangay General Paulino Santos na nailatag sa tulong ng mga local officials.

Kusang loob ng nagpa-aresto si Penelvo ng mahalatang mga pulis pala ang kanyang nabentahan ng shabu sa naturang entrapment operation.

Makikita sa larawan na sinusuri ng mga pulis ang mga personal belongings ng nalambat nilang shabu dealer na si Penelvo, ngayon nakakulong na sa isang police detention facility sa Koronadal City. (July 25, 2025)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *