PIKIT, Cotabato (September 12, 2026) — Lantarang magkahiwalay na nagpahayag na ng pagkagusto sa kandidatura ni Doc Jojo para sa parliament seat ng 2nd district ng Bangsamoro Special Geographic Area ang mga incumbent municipal at barangay officials at mga traditional Moro at non-Moro indigenous community leaders sa mga barangays nito.
Ang Doc Jojo ng mga residente ng naturang distrito sa Bangsamoro Special Geographic Area ay ang physician-ophthalmologist na si Kadil Sinolinding, Jr. na kasalukuyang appointed member ng 80-seat Bangsamoro parliament na siya ring minister ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Siya ay tinagurian din nilang “doctor to the barrio” dahil sa kanyang paglilibot sa kanilang mga barangay, kasama mga volunteer health workers, mga nurses at doctors, upang manggamot ng mga mahirap na may ibat-ibang mga sakit.
Saklaw ng 2nd district ng Bangsamoro Special Geographic Area ang apat na mga bagong tatag na mga municipalities — ang Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao — na nasa ilalim ng regional government ng BARMM, ngunit nasa teritoryo ng Cotabato na isa sa apat na mga probinsya sa Region 12.
Kabilang sa mga nagpakita na ng ganap na suporta sa kandidatura ni Doc Jojo sina Mayor Ismael “Boy Hashim” Mama ng Ligawasan, ang kanilang vice mayor, si Bai Jenaida Abas, at si municipal councilor Max Tingle at maraming mga barangay officials.
Ganun din ang ipinakita ng influential na si BARMM parliament member Jack Abas, residente din ng Bangsamoro Special Geographic Area, at ilan pang mga elected officials sa Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao, ayon sa mga ulat ng mga radio stations sa mga bayan sa Cotabato province at sa kabisera nito, ang Kidapawan City, nitong Sabado, September 12.
Naiulat ng mga radio stations sa Cotabato province at regional newspapers na maraming mga local executives sa Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao ang nag-kumpirma na kanilang ibabalik, sa pamamagitan ng pag-suporta sa kandidatura para sa BARMM parliament ni Doc Jojo, ang kanyang pagkaka-gamot ng mahigit 6,000 na mga residenteng sakop nila na may may mga karamdaman sa mga serye ng kanilang medical missions mula 2022.
Naging katuwang ni Doc Jojo sa naturang mga humanitarian activities ang public service team ng kanyang tanggapan sa parliament, mga kawani ng Ministry of Health-BARMM, ang tanggapan ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño, ng municipal health workers at mga local government officials sa Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao
Kabilang sa mga nagamot nila Doc Jojo at kaniyang mga partners sa kanilang public service missions sa 2nd district ng Bangsamoro Special Geographic Area ang maraming mga bata at mga buntis na may ibat-ibang mga karamdaman at mga senior citizens na may mga cataract at pterygium ang mga mata na siya mismo ang nag-opera bilang isang physician-ophthalmologist na nagpakadalubhasa sa India.
Ayon sa mga radio reports nitong Sabado, kabilang sa mga nagpahayag na ng suporta sa kandidatura ni Doc Jojo ang maraming mga miyembro at commanders ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front na naninirahan sa 2nd district ng Bangsamoro Special Geographic Area.
Kasama sa mga nagpahayag ng paniniwalang mas marami pang matutulungan si Doc Jojo na mga mahirap na residente ng 2nd district ng Bangsamoro Special Geographic Area kung siya ang elected representative nila sa BARMM parliament ang maraming mga MNLF leaders sa apat na bayan na sakop nito na pinamumunuan ng kanilang chairman na si Muslimin Sema, na siya ring labor and employment minister ng Bangsamoro government.
Ang MNLF at MILF ay may hiwalay na mga peace agreements sa Malacañang at nagtutulungan sa mga peace and development initiatives ng BARMM regional government. [][][]
