Sa pag-improve ni “Doc Jojo” ng mga hospitals, marami masaya

COTABATO CITY (September 3, 2026) Nagpaabot ng kanilang pasasalamat ngayong Huwebes, September 3, kay Bangsamoro Health Minister Kadil Sinolinding, Jr., mas kilalang “Doc Jojo” sa buong Baangsamoro Special Geographic Area, ang mga local executives, kabilang ang governor ng Lanao del Sur, sa pagkaka-improve ng kanyang tanggapan ng tatlong mga hospitals sa kanilang probinsya.

Ganun din ang ipinaabot sa mga reporters nitong Huwebes ng iba pang mga local executives kaugnay ng pagkakatatag nila Doctor Sinolinding at ng mga local government units at ng mga regional officials sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng mga iba pang medical dispensaries nitong nakalipas na mga taon, — sa Pura sa Datu Odin Sinsuat at sa Kabuntalan sa Maguindanao del Norte, sa South Ubian sa Tawi-Tawi, ang Aleem Mimbantas Memorial Hospital sa Masiu sa Lanao del Sur, at ganun din na mga facilities sa mga bayan ng Tipo-Tipo at Maluso sa Basilan.

Kabilang sa mga nagpasalamat nitong Huwebes kay Doctor Sinolinding sina Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. at kanyang mga constituent-municipal at barangay officials sa probinsya kaugnay ng kanyang contribution sa pagkaka-improve ng Doctor Serapio Montañer Memorial Hospital sa Malabang, ng Wao District Hospital sa Wao at ng Tamparan Provincial Hospital sa Tamparan.

Ayon sa mga provincial at municipal officials sa Maguindanao del Sur province, malaki ang naging contribution ni Doctor Sinolinding at mga kapwa niya miyembro sa Bangsamoro parliament sa pagkakatatag ng Bangsamoro Regional Hospital sa Datu Hoffer sa probinsya isang taon na ang nakakalipas.

SA SPECIAL GEOGRAPHIC AREA:

Matagal ng nakalatag ang planong pagtatag ng isang hospital sa Bangsamoro Special Geographic Area, may walong bayan na sakop ng BARMM, ngunit nasa Cotabato Province sa Region 12, ayon sa mga regional heads of offices sa autonomous regional government at ilang mga miyembro ng parliament.

Hindi ito agad naisagawa dahil may mga distinct issues itong kaakibat dahil ang Bangsamoro Special Geographic Area ay nasa loob ng teritoryo ng Administrative Region 12 na sakop ng Department of Health 12 at may panukala din ang mga pro-peace congressional representatives ng probinsya na gawing isang chartered province na ito. Nagtutulungan ang DOH at mga BARMM officials sa paglatag ng naturang plano.

Suportado nila Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza ang pagsisikap nila Doctor Sinolinding na makapagtatag ng isang hospital sa Bangsamoro Special Geographic Area na nais na maging “Moro Province” ayon sa panukala ng mga kongresista sa kanilang probinsya.

Bagama’t wala pang malaking hospital sa Bangsamoro Special Geographic Area, abot na ng 6,019 na mga residente nito ang nagamot ang mga karamdaman, na-opera ang mga cataract at pterygium sa mga mata, nabigyan ng libreng gamot at mga pagkain, sa mga walang patid na mga medical missions mula 2022 ng public service teams ng tanggapan ni Doc Jojo sa 80-seat Bangsamoro parliament sa Cotabato City, ng local executives kabilang ang mga municipal mayors ng Ligawasan, Malidegao, Old Kaabacan at Kapalawan sa naturang lugar at ng Ministry of Health-BARMM.

Suportado nila Gov. Taliño-Mendoza ang naturang mga humanitarian activities nila Doctor Sinolinding, isang physician-ophthalmologist na nagpakadalubhasa sa India.

Makikita sa larawan si Doctor Sinolinding, kasama ang mayor ng Ligawasan na si Ismael “Boy Hashim” Mama at si Vice Mayor Jenaida Abas at mga kawani ng kanilang local government unit.