Bangsamoro Party rally sa Lamitan City, dinagsa ng napakarami

COTABATO CITY (August 31, 2026) — Panawagan para sa pagtutulungan, upang mas mapalawig pa ang kapayapaan at kaunlaran sa buong Bangsamoro region, ang magkatuwang na ipinaabot ng mga officials at mga kandidato ng Bangsamoro Party, o “BaPa Party,” ng Moro National Liberation Front sa libo-libong lumahok sa isang dayalogo-publiko nitong Linggo, August 30, sa Lamitan City sa Basilan, naglalayong lahat ng sektor sa probinsya sa larangan ng good governance mapag-isa.

Pinangunahan ng BaPa Party Officials, na parehong mga miyembro ng 80-member Bangsamoro parliament, sina Bangsamoro regional lawmakers Hatimil Hassan at Omar Yasser Sema, at isa pang kasama, si Baiali Karon ang naturang pagtitipon ng libo-libong mga miyembro at supporters ng kanilang partido.

Dumalo din at nagbigay ng mensahe sa naturang rally sa Lamitan City ang mga ranking BaPa Party Basilan provincial members na dating mga BARMM parliament members na sina Muslimin Jakilan at iba pa, kabilang ang mga volunteer-supporters ng partido mula sa youth, women, religious at senior citizen sectors.

Ang presidente ng BaPa Party ay ang kilalang peace advocate na si Bangsamoro Regional Labor and Employment Minister Muslimin Sema, na chairman ng MNLF at naging three-term mayor ng Cotabato City, na siyang regional capital ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nangako ng suporta sa BaPa Party ang mga Yakan, Tausug at Sama community leaders na dumalo sa political activity nito sa Lamitan City, isa sa dalawang lungsod sa Basilan na may sakop din na 11 na mga bayan.

Ang liderato at mga miyembro ng BaPa Party, may masigasig na inisyatibong mapalawig pa ang pagkakaisa ng mga Muslim, Christian at non-Moro indigenous communities sa mga peace and development initiatives, ay wala ni isa mang itinuturing na kalaban sa lahat ng mahigit 10 na mga political parties na binigyang pahintulot ng Commission on Elections na lumahok sa September 14 regional parliamentary electoral exercise.

Ang BARMM ay produkto ng peace process ng pamahalaan at ng Moro communities sa Mindanao. Napalitan ng BARMM ang 27-year ng Autonomous Region in Muslim Mindanao noong 2019 at ang regional parliament nito ay may mga kasalukuyang miyembrong appointed ni President Ferdinand Marcos, Jr. Ang MNLF ay may mga representatibo sa BARMM parliament na ang operation center at nasa Cotabato City.

Isa sa mga anointed candidates ng BaPa Party para sa BARMM regional parliament ang dating congressional representative ng 1st district ng noon ay undivided pang Maguindanao province, si Bai Sandra Sema.

Siya ang kandidata ng BaPa Party para sa parliamentary seat ng 4th district ng Maguindanao del Norte na sako ang mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat at Upi.

Makikita sa larawan ang isinagawang political activity ng Bapa Party sa Lamitan City sa Basilan nitong Linggo, August 30, dinaluhan ng maraming mga community leaders at mga botante mula sa iba’t-ibang mga bayan sa probinsya at dalawang lungsod na sakop nito. []