Isang lalaking guro sa isang popular na Catholic school ang masuwerteng nakaligtas sa pananambang ng mga motoristang armado habang siya ay nagmamaneho ng kanyang Ford Everest sa Purok 1A sa Barangay Poblacion 5 sa Midsayap, Cotabato nitong Biyernes ng umaga, July 18, 2025.
Papunta na sa Notre Dame of Midsayap College (NDMC) ang target ng naturang ambush ng biglang tabihan ng mga armadong magka-angkas sa motorsiklo at agad siyang pinaputukan ngunit hindi tinamaan.
Nakasaad sa inisyal na ulat ni Lt. Col. Benhur Gorosin Catcatan, hepe ng Midsayap Municipal Station, sa Cotabato Provincial Police Office sa Kidapawan City na kabisera ng probinsya, na mabilis na nakatakas ang mga lalaking bumaril sa guro.
Ayon sa mga imbestigador mula sa Midsayap MPS na nagresponde sa insidente, ang guro, residente ng Midsayap, ay nanunungkulan din sa NDMC bilang isang student formation officer. (Details from initial police report, July 18, 2025)

Leave a Reply