Libo-libo lumahok sa people’s caravan ng `doctor to the barrio’

KABACAN, Cotabato (August 3, 2026) — Libo-libong mga residente ng apat na bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area (SGA) — ang Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan — ang lumahok sa Muslim-Christian-indigenous non-Moro people’s peace caravan ngayong Lunes, August 3, bilang show of massive support sa kandidatura ng kanilang kinikilalang “doctor to the barrio” para sa pagka-representative ng kanilang mga bayan sa 80-member parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang kanilang kandidato? Ang multi-awarded na si physician-ophthalmologist Kadil Sinolinding, Jr. Siya ang minister ng Ministry of Health-BARMM at miyembro din ng 80-member Bangsamoro parliament.

Si Doctor Sinolinding ay tinatawag na “Doc Jojo” ng kanyang mga kakilala, marami sa kanila kabilang sa 4,873 katao na naka-benepisyo sa mga serye ng mga magkatuwang na health missions, mula 2022, sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan, ng kanyang tanggapan sa BARMM parliament, ng Ministry of Health-BARMM at ng ibat-ibang private volunteer public service organizations.

Si Health Minister Sinolinding ay kilala sa Bangsamoro SGA bilang “doctor to the barrio,” nagsimula ng kanyang public service career bilang municipal health officer, dalawang dekada na ang nakalipas, ng magkatabing mga bayan ng Pagalungan at Datu Montawal sa Maguindanao del Sur na parehong malapit sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan.

Ayon sa mga barangay at municipal officials sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan, si Doctor Sinolinding ay hindi isang political warlord, walang ginawang paninira sa social media kaninuman at, higit sa lahat, hindi pinagmamalaki, bilang campaign strategy, ang kanyang ginawang panggagamot ng libre, pag-opera ng mga mata ng mga residente ng Bangsamoro SGA na may cataract at pterygium, at paggawa ng ibat-ibang medical procedures para sa mga residente ng kanilang mga bayan. []