COTABATO CITY (July 30, 2026) — Tinuligsa ng daan-daang mga supporters ni Bangsamoro Parliament Member Naguib Sinarimbo ang isang AI-generated social media video na kunwari ay nagsasalita siya ng nakakasakit sa marami na hindi naman niya ginawa.
Iba ang boses niya sa naturang fake social media video kung saan ginawang malisyoso at mapanira ang kanyang mga pahayag, sa kakaibang boses, na ayon sa mga information technologists at computer science experts ay malinaw na pasted voice over-style recording lang na kunwari ay siya ang nagsasalita.
Si Bangsamoro Parliament Member Sinarimbo, isang abogado, ay unang naging local government minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bago naitalaga ng Malacañang na miyembro ng 80-seat Bangsamoro parliament nitong nakalipas na taon.
Siya ang Cotabato City chapter chairperson ng Bangsamoro Federalist Party, isa sa mga leading political parties na pinahintulutan ng Commission on Elections na lumahok sa September 14, 2026 parliamentary elections.
Naging biktima din ng isang mapanirang pekeng social media AI-generated video ang health minister ng BARMM, ang physician ophthalmologist na si Kadil Sinolinding, Jr., na, katulad ni Sinarimbo, ay isa ding miyembro ng 80-seat Bangsamoro regional parliament. Iba din ang boses ni Health Minister Sinolinding sa naturang fake video.
Pumalag din ng mga kaibigan at ng mga supporters ni Doctor Sinolinding sa naturang social media video na ayon sa kanila ay walang katotohanan.
Makikita sa larawan si parliament member Sinarimbo at ang regional government center ng BARMM sa Cotabato City (July 30, 2026)
