Suportado ng maraming sector sa Cotabato City ang kampanya ni Mayor Bruce Matabalao laban sa pagbebenta sa lahat ng barangay sa lungsod ng mga sigarilyong imported na walang mga health warnings, hindi alam kung ano ang mga sangkap at naipasok sa Pilipinas mula sa ibang bansa ng walang pahintulot mula sa Bureau of Customs.
Ipinaabot sa mga reporters nitong Biyernes, July 18, 2025, ng mga kasapi ng lehitimong mga business groups sa Cotabato City, kabilang ang Bangsamoro Business Council, na nagalak sila sa kampanya ng Cotabato City government laban sa pagkalat ng mga imported na sigarilyo sa lungsod, inilunsad ni Mayor Matabalao nitong nakalipas na linggo.
Daan-daang kahon ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia, may ibat-ibang brands, ang nakumpiska ng mga city officials at mga tropa ng Cotabato City Police, sa pangunguna ni Mayor Matabalao, sa naturang inisyal na anti-smuggling operation.
Ayon sa entrepreneur-lawyer na si Ronald Hallid Dimacisil Torres, chairman ng Bangsamoro Business Council, suportado nila ang anti-cigarette smuggling campaign ng tanggapan ni Mayor Matabalao.
Ganoon din ang pahayag ng mga miyembro ng Chinese Business Chamber sa Cotabato City, ilan sa kanila may mga establisimentong nagbebenta ng lehitimong mga sigarilyo na may health warnings, gawa sa tunay na tobacco leaves.
Magkatuwang si Col. Jibin Bongcayao, director ng Cotabato City Police, at ang tanggapan ni Mayor Matabalao sa kampanya ng Cotabato City local government unit laban sa pagbebenta ng smuggled cigarettes sa lungsod.
Ayon kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, may direktiba siya sa lahat ng police units sa Cotabato City na suportahan ng masigasig ang naturang kampanya ng Cotabato City LGU. (July 17, 2025)

Leave a Reply