Basbas ng tribo para sa Tampakan mining, matibay, matutupad

Walang tutol ang tribong Blaan sa napipintong nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project ng national government at ng isang pribadong kumpanya sa kanilang ancestral lands sa Tampakan, South Cotabato at sila ay matagal ng naglabas ng kasulatang Free Prior Informed Consent (FPIC) para dito.

Ito ay muling tiniyak ng mga kasapi ng tribo sa media community nitong Huwebes, July 17, 2025, kasabay ang kanilang paliwanag na isang malaking kahihiyan para sa kanila ang hindi pagtupad ng kanilang mga obligasyon, ayon sa FPIC, na tumulong sa lahat ng stakeholders ng proyekto upang maipatupad ito ng maayos.

Ang proyekto ay magkatuwang na pangungunahan ng national government at ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) at aalalayan ng Department of Environment and Natural Resources, ng Mines and Geosciences Bureau at ng National Commission on Indigenous Peoples.

Una ng nagpahayag, ilang ulit na, ang Blaan tribal leaders at mga local government officials sa Tampakan, sa Colombio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani, at sa Kiblawan sa Davao del Sur, ang mga lugar na saklaw ng proyekto, ng lubos na pagsang-ayon at suporta para sa nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project.

Sa mga hiwalay na pahayag nitong Huwebes, muling binigyang diin ng mga tribal leaders na obligasyon ng kanilang tribo, ayon sa FPIC document, na bigyan ng full access sa kanilang ancestral lands ang mga kawani ng SMI at ang mga equipment ng kumpanya na gagamitin para sa Tampakan Copper-Gold Project, ganun din sa mga opisyales ng DENR, MGB at NCIP na na titingin sa proyekto.

Obligasyon ng tribong Blaan, batay sa FPIC, na suportahan, aalalayan sa kanilang paglabas-pasok ang mga kawani ng SMI employees at ng mga ahensya ng pamahalaan na tututok sa Tampakan Copper-Gold Project sa kanilang ancestral lands upang maisakatuparan ito maayos at walang pagkabalam.

Maliban sa FPIC mula sa tribo, naglabas din ng hiwalay na kasulatang pagsang-ayon ng NCIP sa proyekto, mahigit tatlong taon na ang nakakalipas. Ang naturang approval document ay inilunsad sa isa sa mga barangay sa Tampakan ng NCIP national at regional officials, dinaluhan ng mga local executives, ng mga kasapi ng media at ng mga kawani ng SMI.

Sa pahayag ng tribal leaders, kabilang sa kanila si Domingo Collado, ang kanilang appointed representative sa Tampakan Municipal Council, kanilang igagalang ang kanilang FPIC at tutuparin ang mga nilalaman nito, kabilang na ang pagbigay ng access sa kanilang ancestral lands sa lahat ng na may kinalaman sa pagpapatupad ng Tampakan Copper-Gold Project.

Sa isang survey, tatlong mga senior citizens na mga babaeng Blaan, sina Fanagey, Giwemon at Saluni, ang nagpahayag na malinaw sa kanilang tribo ang mga obligasyon nitong tumulong sa ikakabuti ng Tampakan Copper-Gold Project ayon sa nilalaman ng FPIC.

Ayon sa bagong halal na mayor ng Columbio, si Amirh Musali, ang mga Blaan sa kanilang bayan ay tutulong sa pagpapatupad ng lahat ng mga kasulatang nagsasaad ng mga obligasyon ng tribong Blaan kaugnay ng pagsang-ayon nito sa Tampakan Copper-Gold Project.

Ganun din ang pahayag nila Vice Mayor Joel Calma ng Kiblawan at ni Vice Mayor Ma. Theresa Constantino ng Malungon. Ang kanilang mga bayan ay may mga Blaan ancestral lands na saklaw ng nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project. (July 17, 2025)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *