COTABATO CITY (May 6, 2026) — Karagdagang 233 pa na mga elementary pupils, kasalukuyang bakasyon sa klase, sa bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao del Sur, ang natuli ng libre nitong Lunes, May 4, ng public service team ng isang kasapi ng Bangsamoro regional parliament at ng kanilang mga partner humanitarian groups.
Mismong ang mayor ng Montawal, si Vicman Montawal, ang nag-kumpirma nitong Martes ng pagkatuli ng libre ng 233 na mga batang mga Muslims at Christians sa isang community engagement sa kanilang bayan ng public service team ng tanggapan sa Bangsamoro parliament ni Kadil Sinolinding, Jr. at ng kanilang chief minister, si Abdulrauf Macacua.
Katuwang nila Sinolinding at Macacua sa naturang humanitarian mission ang pribadong Deseret Surgimed Hospital at ang Dr. Shahid Deseret Ambulatory Foundation Referral Center Incorporated sa Kabacan, Cotabato at ang Ministry of Health-BARMM.
Maliban sa kanyang pagiging kasapi ng 80-seat Bangsamoro parliament, ang physician ophthalmologist na si Sinolinding din ang siyang kasalukuyang namamahala ng MoH-BARMM.
Pinasalamatan nitong Martes nila Mayor Montawal at Vice Mayor Otto Montawal sina Sinolinding at Macacua sa kanilang “Oplan Tuli” na ang mga naka-benepisyo ay mga batang Moro at non-Moro na mula sa mga mahirap na pamilya na kumikita lang ng sapat para sa kanilang mga pangangailangan mula sa pagsasaka at pangingisda sa mga lawa at ilog na karugtong ng 220,000-hectare Liguasan Delta na malapit sa kanilang mga barangays.
Pinasalamatan din ng dalawang municipal officials at ng mga magulang ng mga batang naka-benepisyo sa operation tuli sa Datu Montawal nitong Lunes si Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa kanyang suporta sa naturang humanitarian mission.
Bagama’t hindi na sakop ng Cotabato province ang mga magkatabing Datu Montawal at Pagalungan sa Maguindanao del Sur, suportado ni Gov. Taliño-Mendoza ang mga humanitarian missions nila Sinolinding at Macacua sa nabanggit na dalawang bayan dahil malapit ang mga ito sa mga barangays sa Pikit at Kabacan at Carmen na sakop ng kanyang administrasyon.
Sa pinakahuling tala, nitong Martes, May 5, ng mga local government units sa Datu Montawal at Pagalungan, sa walong mga bayan sa Bangsamoro Special Geographic Areas na nasa teritoryo ng probinsya ni Gov. Taliño-Mendoza, sa Pikit at Kabacan at Carmen, abot na ng 587 na mga bata ang natuli ng public service team nila Sinolinding at Macacua mula ng magsara nitong kalagitnaan ng April ang mga paaralan sa naturang mga lugar, bilang summer break.
