TAMPAKAN, SOUTH COTABATO (May 1, 2026) — Para sa maraming mag-aaral sa malalayong komunidad, nananatiling isang malayong pangarap ang pagtatapos sa kolehiyo dahil sa kakulangan sa pinansyal na kakayahan.
Ngunit para kay Bon Ryan Jimenez, ang pangarap na ito ay unti-unti nang naaabot, hinubog ng determinasyon at sinuportahan ng tulong pang-edukasyon na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makapagpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng mga hamon.
Isang residente ng Tablu, Tampakan, si Bon ay kabilang sa mga benepisyaryo ng Educational Assistance Program ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI), isang inisyatiba na naglalayong tulungan ang mga kapos-palad ngunit karapat-dapat na mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makabuo ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at pamilya.
“Sukad sa nahimo kong benepisyaryo sa SMI educational assistance hangtod karon nga hapit na ko makahuman, dako kaayo akong pasalamat kay nahimo silang dakong kabahin sa pagtuman sa akong pangandoy,” ani Bon.
Isa na siyang graduating student sa Southeastern Institute of Technology, kumukuha ng Bachelor of Science in Elementary Education.
Si Bon ay patunay kung paano nababago ng edukasyon ang buhay ng isang tao. Mula sa simpleng pamumuhay, ibinahagi niya na malaki ang naitulong ng programa upang mapagaan ang gastusin ng kanyang pamilya.
“Dako kayo ang tabang sa akoa, kay maka-less gastos ang akong parents sa pangbaon, pamasahe, ug usahay sa mga gastusin sa eskwelahan sama sa projects,” dagdag niya.
Ang Educational Assistance Program ng SMI ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral mula sa host at karatig na komunidad, kabilang ang iba’t ibang gastusin sa paaralan. Higit pa sa pinansyal na suporta, layunin ng programa na bigyang-lakas ang kabataan upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang makabuluhang karera.
Para kay Bon, isang malaking pribilehiyo ang maging bahagi ng programang ito. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsisikap at pagpapahalaga sa pagkakataong ibinigay sa kanya.
“Dapat naa gyud tay goal, paningkamotan ang pag-eskwela ug dili sayangon ang chansa nga gihatag sa atoa, kay dili tanan nabahinan ani nga oportunidad,” ani niya.
Habang naghahanda sa kanyang pagtatapos, hindi lamang pansariling tagumpay ang kanyang layunin kundi maging inspirasyon sa iba sa kanyang komunidad. Hinihikayat niya ang kapwa benepisyaryo na maging bukas ang isipan at suportahan ang mga programang nakatutulong sa pag-unlad.
“Dili ta magpabiling one-sided sa mga isyu labi na bahin sa mina. Hunahunaon nato nga ang SMI dako na gyud ug natabang, ug mas daghan pa gyud sila matabang sa future. Mao nga suportahan nato sila,” ani Bon.
Ipinapakita ng kuwentong ito ang mas malawak na epekto ng mga programang pang-edukasyon sa mga liblib na lugar, kung saan ang bawat iskolar ay hindi lamang sumisimbolo ng personal na tagumpay kundi pag-asa para sa buong pamilya.
Sa patuloy na pagpapalawak ng mga programang pangkaunlaran ng Sagittarius Mines, Inc., nananatiling mahalagang pundasyon ang edukasyon sa paghubog ng mga susunod na propesyonal na tulad ni Bon, na handang magbigay pabalik at mag-ambag sa pag-angat ng kanilang komunidad.
Para kay Bon, hindi naging madali ang kanyang paglalakbay, ngunit sa tulong ng tiyaga at suporta, isa na siyang hakbang palapit sa katuparan ng kanyang mga pangarap, dala ang pag-asa ng kanyang pamilya at pangakong mas maliwanag na kinabukasan.
