COTABATO CITY (February 20, 2026) — Isang malaking grupo na naman ng mga Moro na buntis at mga batang hindi malusog dahil sa kakulangan ng sapat na nutrisyon ang tumanggap nitong Lunes, January 16, ng ayuda mula sa public service team ng isang doctor na miyembro ng 80-seat Bangsamoro parliament.
Ang naturang pinakabagong humanitarian mission ng tanggapan ni Member of Parliament Kadil Sinolinding, Jr., na siya ring regional health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa bayan ng Nabalawag sa BARMM Special Geographic Area (BARMM-SGA) sa probinsya ng Cotabato, ay suportado ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua.
Mismong ang vice mayor ng Nabalawag, si Ping Lakaiman, at isang barangay chairman, si Benjamin Abpi ng Poblacion Nabalawag, ang nag-ulat ngayong Huwebes, February 19, ng pagtanggap ng 148 na mga buntis at 21 na mga malnourished na mga bata mula sa ibat-ibang lugar sa naturang bayan ng bigas at iba pang food supplies na dala ng public service team ni Sinolinding.
Tumulong sa pagsasagawa ng naturang humanitarian activity ang ang municipal health officer ng Nabalawag, ang manggagamot na si Faiqha Jafna Usman, ayon sa mga local officials.
Ang Nabalawag ay isa sa walong bagong tatag na Bangsamoro municipalities sa Special Geographic Area na sakop ng BARMM, ngunit nasa Cotabato province sa Region 12.
Sa tala ng mga local government units sa BARMM-SGA at mga kawani ng Ministry of Health-BARMM, mahigit 4,000 na na mga buntis at mga malnourished na mga bata sa BARMM Special Geographic Area ang nagka-ayuda ng bigas, gatas at iba pang food rations mula sa mga tanggapan ni Sinolinding at Macacua mula 2024. []
