COTABATO CITY (February 20, 2026) — Dinalaw nitong Miyerkules, February 18, bisperas ng Ramadan, ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua ang kanyang kapwa high official sa Moro Islamic Liberation Front, si Ahod Ebrahim, sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, bilang pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap na pangalagaan ang mga positibong bunga ng peace process ng MILF at ng pamahalaan.
Si Ebrahim, mas kilala na Kagui Murad, ang pinakaunang appointed chief minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Siya rin ang chairman ng central committee ng MILF habang si Macacua naman ang siyang chief ng Bangsamoro Islamic Armed Forces nito.
Ang 2014 peace accord ng MILF at ng Malacañang ang siyang naging batayan sa pagtatag ng BARMM noong 2019, kapalit ng noon ay 27-taon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Macacua, mainit ang pagtanggap sa kaniya at kanyang mga kasama ni Kagui Murad at kanyang mga kapamilya sa Camp Darapanan, isang government-recognized MILF enclave sa Sultan Kudarat, isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte.
Nagkasundo sila Macacua at Kagui Murad, sa kanilang pagkita nitong Miyerkules, na ipagpatuloy ang kanilang extensibong kooperasyon sa pagsusulong ng peace and sustainable development programs na ikakabuti ng Muslim, Christian at non-Moro indigenous communities sa BARMM na itinatag nitong 2019, bilang resulta ng 22-taon na peace talks ng MILF at ng national government.
Nagsimula ang Ramadan, isang banal na buwan sa Islam, nitong Huwebes, February 19. Ang mga physically-fit na mga Muslims ay nag-aayuno mula umaga hanggang takipsilim tuwing buwan ng Ramadan bilang isang religious obligation.
Ang buwan ng Ramadan, para sa mga Muslims, ay panahon ng pagpapatawad sa mga nagawang mali sa isat-isa, pag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan at mas masigasig na pagtulong sa mga nangangailangan ng walang aasahang anuman kapalit.
Sa kanyang pahayag nitong Biyernes, tiniyak ni Macacua ang kooperasyon ng BARMM government sa mga peace and security efforts ng local government units, ng pulisya at militar sa pagtiyak ng seguridad at kapayapaan sa autonomous region ngayong buwan ng Ramadhan.
Makikita sa larawan sina Macacua, na namamahala ng BARMM regional government, at si Kagui Murad sa kanilang pagkita sa Camp Darapanan nitong Miyerkules. []
