Marami ang nagalak sa pagpapanatili sa kanyang puwesto ng liderato ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kay BARMM Education Minister Muhaquer Iqbal, isa sa maraming regional officials na nag-submite ng courtesy resignation nitong June 2025 kaugnay ng balasahan sa kanilang hanay.
Si Iqbal ay senior member ng central committee ng Moro Islamic Liberation Front na nagsisilbi bilang education minister ng BARMM government mula pa noong 2019, habang nasa pamamahala pa ang rehiyon ng pinakaunang appointed chief minister na si Ahod Ebrahim na chairman din ng central committee ng MILF.
Mismong ang kasalukuyang Bangsamoro chief minister na si Abdulrauf Macacua, na mataas na opisyal din ng MILF, ang siyang nag-anunsyo nitong Martes, July 15, 2025, na kanyang tinanggihan ang courtesy resignation ni Iqbal upang magpatuloy ito sa pamamahala ng Ministry of Higher, Basic and Technical Education-BARMM, mas kilala bilang MBHTE-BARMM.
Si Iqbal ang pang-pito, sa mahigit 30 na mga BARMM ministers at chiefs ng iba’t-ibang support agencies na inatasan ni Chief Minister Macacua na manatili sa puwesto.
Nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat kay Macacua ang mga education officials sa autonomous region kaugnay ng pagpapanatili kay Iqbal sa puwesto.
Isa sa nagpaabot ng pasasalamat kay Macacua, sa pamamagitan ng media community sa autonomous region, ay ang schools division superintendent ng Lamitan City na si Myra Borja Mangkabung at mga senior school officials sa naturang lungsod.
Ganun din ang pahayag ng mga provincial MBHTE-BARMM officials sa Lanao del Sur, Basilan, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at Tawi-Tawi na mga component-provinces ng Bangsamoro region.
Ang health minister ng BARMM na si Doctor Kadil Sinolinding, Jr., isa sa anim na pinaka-unang tinanggihan ni Macacua ang courtesy resignation, ay nagpasalamat din kay Chief Minister Macacua dahil sa kanyang pag-retain kay Iqbal.
Ayon kay Sinolinding, sapat ang kakayahan ni Iqbal na mapatakbo ng maayos ang mga education programs ng MBHTE-BARMM. (July 16, 2025)

Leave a Reply